Noong 1990s
ang kwela eh kya i copied from Arjay...
NOONG 1990's
1. Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa.
- masarap kolektahin pero ung laro madaling pagsawaan...ung mga boys lng ng-eenjoy
-dami ko SailorMoon at Ghostfighter tex! grabe, kabaliw..umaapaw ung Simba lion box ko non!
2. May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.
- kahit ang tigas nguyain, enjoy nman sa comics!
3. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.
- ay..i love the birds naman & no violence kya wa ako nito
4. Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.
- sa tindahan ni Aling Opel ko pa binibili to(kya nanlaki mga binti ko,pabundok kc papunta don!) ngdrodrawing pa kmi ng sariling clothes.
5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.
- babae ako...=) no to violence & gore
6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.
- wa pera..nilalakad til cousin's house sa kabilang subdivision para makilaro sa Family Computer. Arcade sa Ever after classes..Streetfighter nman w/ Grace & Alpha...
7. Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.
- pahid ko lng sa tsinelas ung watusi o kya binubukol ng bato
8. Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay.
- astig, Grade 3 ako non..kulay red ung lights, kalimutan ko kng ano cartoon character
9. Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.
- ayy ibang basketball player ata ang pinagkaabalahan ko nun..hahaha..JCT forevah pako non!
10. Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.
- di nman ako tumangkad eh. kya nga ngkukunwarian nlng kmi ni Ate non..minsan pnaglaruan nlng nmin make-up at heels ni mommy at ng miMs.Universe!
11. Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.
- oo nga, naive masyado..kala ko may pari tlga na lalabas
12. Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (si Jolina ang nagpauso nito)
- oy..di nman ako ngkaron nyan. jologs kya un nung Gr.6. haha..pero ung baby nming kapatid meron.
13. Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.
- isa lng at super treasure ko un...Polly Pocket's Boutique
14. Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.
- di lng sa pencil case, sa ID case, sa bulsa ng blouse ko, sa bulsa ng palda ko..kng san-san. parang nanganganak nga ata tlga eh?!? o guni-guni lng namin un...
15. May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.
- haha...un ba ung Beauty & the Beast? forget ko na.
16. Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.
- nakikitunog lng sa kaklase kc di ko afford bumili..hehe..pang-athlete kc eh
17. Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.
- (Zashikibuta un)..peborit nmin ung japanese/chinese statio na may mga wrong english grammar na nkasulat. may ksma pang stickers at envelope sa loob di tulad ng iba...
sarap mgbatohan ng sulat sa loob ng klase eh...katuwa rin pg nkatanggap ka mula k...alam mo na...
18. Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.
- lahat ata ng kapitbahay namin non ngBribrick game eh, agawan sa bahay eh kya nga nauuwi ako sa don sa pashoot shoot na bilog sa tubig na laruan. Yoda pa ata Tamagotchi ni kuya non eh, ung dpat i-train mo syang mglevitate at bato-bato pick!
19. Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.
- bente uno nung Gr.6, inter-section labanan! the best..kakilig. roller ball w/ KBs..saya ng larong no rules! ice water namin non, planggana o timba na kay dumi ng tubig..yuck! pero super saya!
20. Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura".
- hahaha...
21. Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.
-pnaka-aabangan kong bilhin tuwing pasukan! may piano pa nga eh...
22. Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.
- yuck...no way noh. 1st yr high cover ng binder ko Betty/Veronica. puro Cattleya o Green Apple lng ntbk ko kc tinatakpan rin ng artpaper eh. except ung Journalism ntbk..prince william na news article kc.**wink**wink**
23. Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.
- coleman di coolman. hehe..tama tuwing fieldtrip lng ako ngdadala. Fanta ata iniinom ko non.
24. Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.
- taray ko non. the very first Baby-G watch owner sa Sunny Hill school!
day & night, til under the pool..suot-suot..namuti nlng wrist ko...
25. Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.
- di ko sya pinangarap, naasar lng ako kc kailangan ko pang sabihin sa operator ung message mo. lalo na pg emergency msg k Dadi. minsan mali pa ung lumalabas!
26. Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.
- poor lng kmi eh..wa kmi ganun..pager lng naabutan
27. Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.
- Bukod sa Mario..gsto ko ung TwinBee, Penguin Ice Adventure, B Wings ba un, Bike at Circus(babalansehen mo ung clown sa balloon ball)
28. Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.
- Roller blades na purple..ngkagalos-galos pako non sa slope, nkalimutan kong tumalon sa humps.
iilang Troll na keychain o ung inilalagay sa pencil. ewan ko ba ang sagwa ng itsura pero cute nung time na un. Nkklaro lng ng Sega at Fam Com kay cuz.
29. Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko".
- hahaha...tapos sabayan mo ng "Always" na pabuka-buka ng hita dance..at Raga-amuffin girl at "i saw the Sun & i opened up my eyes...i saw the sun!"
30. Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.
- "Cupid" at "As Long as You Love me" ...hahaha
31. Sumasayaw ka ng Macarena.
- oo...sabay naka-midrib pa.
32. Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila.
- hahahaha...superfan ako non, may CD kmi. Ngperform nga kmi ng 2 become 1 sa klase nung Gr.5 ako si Melanie C. tapos BSB ang first CD na pinabili ko k momi..love you Nick Carter times!
33. Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.
- BSB, Boyzone, N'Sync!! "its tearin up my heart when m wt u!" love JC Chasez times! memorize ko pa N'Sync dance steps non..
34. Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.
- hayyyy..nangangarap ang girls na maging Paraluman ng Huling El Bimbo!
35. Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.
- naalala q pa, binigyan aq ni grace ng tape ng theme songs of our freshman yr. 'pretty fly for a white guy' hahahaha... anjan parin ung Tapes w/ toddler voices nmin na pinapadala k Dadi sa Saudi...kawa-i!!
36. Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.
- Gr.2..for the Pope ata non...matino pa si Michael Jackson
37. Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.
- Yellow ranger! si Trini ata un..si Ate kc c Kimberly eh(pink). huhu..wlang ka-loveteam si trini! Michaelangelo...best turtle!
38. Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.
- avid viewer ata aq ng 5 & Up, tga DPS pa si Melvin non..tingting pa si Chynna non. Mathinik favorite ko non eh. super educ'l shows pa non grabe...8-10 tapos Little Women o Anne of Green Gables na. minsan di nako ng-aaral, nanonood nlng ako...
39. Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.
- pinakalast na fave cartoon ko ung Ghost Fighter...crush ko non si Sniper at Eugene..hate na hate ko si Taguro! Yoko ng Dragon Ball eh.
40. Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!"
- di nman...kc more of Daimos fan ako...love action story bet. ung gwaping at babaeng may pakpak. mala-Romeo & Juliet.
41. Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.."
- shaider & annie! power make-up ni Sailormoon, kissing Mamoru!
42. Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats.
- bago daw dumating ur service haha meron pa si remi boy and girl version snow white si nelo at patrash mga munting pangarap ni romeo (ang itim n magkakapatid! tagalinis ng chimineyaa!!!) atp
<<<<naks, arjay...Kapamilya ka nga! tindi ng memorya....iniiyakan ko pa nung namatay si Alfred sa Munting Pangarap at humagulgol in Lolo's death sa Remi.
43. Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica
Panganiban.
- di masyado
44. Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.
- nah
45. Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.
- pati Sesame Street...minsan lng ako mkapanuod ng batibot
46. Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo..
apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo...
labingapat-labinglima...
- uu nman..feeling kinder! for the sake of my younger siblings!
47. Napanood mo ang Batang X.
- hahaha...feeling X-Men, kids version
48. Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar.
- labo ng TV signal ng RPN 9 eh...ngpapakwento lng ako
49. Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles".
- andon pa ung the gwapings, mataba pa si maybelin, makapal pa kilay ni Claudine..grabe...natutuwa pako sa mga filipino shows non..ngayon hindi nah
50. Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara.
- oo! inaagaw pa nya si Wowie! subra na ba!
51. Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp.
- pinanood ko lng si esperanza kc andon si Rico Yan (kahawig nya ung crush ko sa school non) at AnaKarenina...in support k Sunshine D at Kim Delos Santos kc SunnyHillians rin sila that time.
52. Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.
- harush!! diyos ko...Juday at Rico pa (for the sake of rico)..Dingdong & Antoinette, Polo & Sunshine, Kim & Dino...oo aaminin ko TGIS fan ako! LOL
53. Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat."
- hahaha...buti payat pako non! pero ginagaya ko kc John Carlo name ng infatuation ko non eh..hahaha...inamen!!! can't get over!
54. Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy".
- no..sorry..McDo ako non
55. Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.
- wla pa gaanong labanan between the channels, obvious kc na #1 ang ABS-CBN that time.
56. Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology.
- "grabe ha, they're so gullible" lng ang nasabi ko that time...hehe..pero naalala ko ung MV ni J.Lo na Waiting for Tonight
57. Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.
- yea around 7-9 am<<tumpak!
58. Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.
- si Undin! hahahaha....at ang kanyang mga Sago este Anak. khit pangit effects, magaling nman umarte sina manilyn at palipad-lipad na bampira.
meron pa non...favorite nmin "Are U Afraid of the Dark" at "Twilight Zone" na horror TV show
59. Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose."
- ito na ang simulang nahook ako kay Prince William! pinagnanakaw ata nmin ung ibang mag pgs sa library ni Myra nung Gr.6. Buhay pa ung article at post card collection ko ni Wills!
60. Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay.
- poor lng kmi eh..ni betamax wala...dumirecho kmi sa LaserDisc..ung pagkalake-laking CD...8 inch ata diameter non..rumirenta pa kmi sa ACA
61. Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha.
- lahat ng girls gusto maging Rose! at malunod...except lng nung tinatawag nakong Rose at pinaghihimas lagi buhok ko ni Dioso..haha...JC peace!!!
90's nga naman....kakamiss!!
0 comments:
Post a Comment