andaming mang-aagaw
Kaloka. Noong 1997, apat lang kaming nag-aagawan sa kanya. Ang hirap pa ngang kunin ang atensyon nito kasi puro basketball ang nasa isip. Kung hindi lang siya cute, binato ko na siya ng bola non. Sabi pa niya sa Formal Theme Writing Book niya about himself, "I want to be a Commerce" (wrong grammar pa sya non). And guess what, unconsciously yon ang naging course ko! Atsaka dati, parang tumitigil ang mundo ko pag nakikita ko yung ngiti niya lalo na pag naarawan yung braces niya. Tuwing recess, maglalaro siya ng basketball or bente uno sa covered court and patagong nanonood kami and sabay sigaw ng "Go --!" Siya ang unang guy na iniyakan ko at maiintindihan mo na kung bakit nahlig ako sa Tsinoy na kahawig niya.
At ngayon, buong Pilipinas na ang handang maloka sa lalakeng 'to. Simula nang nagulat akong nakita siya sa Bench Fashion show. Pambihira, ang hirap na niyang ma-reach! Samantalang dati, binabangga bangga ko lang siya sa corridor, tinatawagan sa phone na di ko malimutan ang #, bumibili ng anything green dahil fave color nya yon, inaaway ang Gr.4 na babaeng may crush sa knya at ginagaya ang pagdala ng Jansport bag nya sa left shoulder na eventually naging mannerism ko hanggang ngayon. At ilang memoribilia ang natago ko na related sa kanya.
Kaloka talaga ang feeling na ma-infatuate nanaman sa kanya! Parang it never ends kahit its almost 10 years ago. Sinasabi ko nga sa Diyos, "bakit niyo ba binabalik sa buhay ko ang lalakeng 'to and worse lagi ko pa siyang makikita sa TV...you're torturing me!" Kapag nakakabasa pa ako ng negative about him sa forums parang gusto kong resbakan ung mga bloggers dahil di naman nila kilala siya personally. Hay....kumukulo ang dugo ko. Sa excitement ba 'to dahil as I've expected na he'll be famous someday or dahil I feel na kahit si John Lapus ay kaagaw ko sa kanya? Hay nako, makatulog na nga at magsisimula nanaman ang endless inevitable dreams ko about jct.
6 comments:
dapat pinakasalam mo n sya non lol!!!
diba to si walter o si manong tak shiyam wot (sounds like di ko n maaalala haha) sa 2nd flr? =))
hmm.. sino kaya ito.. isanag malaking palaisipan haha >.
rad, watch survivor and you'll know.
pati nga mga kaklase ko at teacher ko kaagaw mo na rin...ok lang yan XDD
kaloka talaga. Parang gusto kong sabunutan si nanay zita kc si tiuseco pa ung pinili nya sa prize na mag-stay ung gf nya sa isla. Kaasar...mabato nga ng bola silang dalawa. hahaha
<*cross fingers*> sana matuloy na ung matagal ng pinaplano na reunion ng mga sunnyhillians
Post a Comment