airport idles
Habang nag-aantay kay Momi sa airport, napagtripan namin ni Kuya angmaglabanan ng original jokes...mas corny, mas panalo. Ito ang summary:
**Ewan ko kung bakit nahilig ako sa Bon, nakita ko kc ung ibon na logo ng NAIA eh
anong Bon ang lumilipad?
edi iBON (joke ba tlga 'to?)
anong Bon ang pagkain?
edi BON Appetite (senseless!)
anong BON ang rockista?
edi BON Jovi (<
anong Bon ang matalino/magaling?
edi BONafide!
anong BON ang nakakalason pag nasobrahan?
edi carBON dioxide (or monoxide)
anong BON ang shine-shave?
edi balBON
Anong sinabi ni Pacquio nung kinalaban sya ni Morales?
LalaBON ako! LalaBON! (what the?*#%&)
Sinong BON ang kababata ni Jun Jun?
edi si A-BON (oookeyyy..parang kilala niyo un si Avon noh)
Anong KING ang mausok?
edi smoKING
Anong KING ang hilig kainin ng mga intsik?
edi Goto KING
Anong Show ang habulin ng babae?
edi Ma-SHOW (sa mga di naka-gets, macho po un)
Anong SHOW ang sinasawsaw sa Toyo?
edi SHOW-mai
Saang SHOW nakatira si Ruffa Gutierrez?
edi sa pala-SHOW ni Ylmaz
Anong SHOW ang panandaliang aliw ng mga lalake?
edi SHOW-ta (kala nu LIVE SHOW noh!)
Pirated Jokes na narinig ko sa boy na katabi ko sa FX (in fairness, cute boy alert! sya)
dineliver ko kagabi na himalang natawa si Kuya
Anong Star ang mayaman?
edi Star in a Million
Anong Star ang naglalaban?
edi Star Wars
Anong Star ang kinidlatan?
edi Star Struck (sabay kanta ng....com'on everybody...)
Anong Star ang hinahanap?
edi Search for a Star
...and many more Stars na di ko na maalala.
Original Jokes ni Kuya
Anong tawag sa falling na aso?
DOG! (with matching kamay na nahuhulog effects, not so original ah)
...hay nako di ko na maalala dahil ang siguro sobrang corny...tulad ng akin
sa susunod nlng
Tapos itong si Older Sis, Nicole at Lil Sis(a.k.a. Lil Buy -for babuy-..ako
si Big Buy eh..haha)...sinabihan namin na di sila sasaya kng wlang technology.
Pano puro pagpipicture lng sa sarili ang ginawa.
At natapos na ang corning pagbibiruan namin ni Kuya kc dumating na si Momi,
buti nman di na sya bumaba ng patalikod tulad ng dati.
sana di kayo natawa....
0 comments:
Post a Comment